Please sign in to include your comment.
Kabanata I:
ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Panimula
Kaligirang Pangkasaysayan
Balangkas Teoritikal
Balangkas Konseptwal
Paglalahad ng Suliranin
Haypotesis
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Kabanata II:
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Banyagang Pag-aaral
Lokal na Pag-aaral
Banyagang Literatura
Lokal na Literatura
Kabanata IV:
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS
Kabanata III:
METODO NG PANANALIKSIK
Pamamaraang Gagamitin
Populasyon
Paraan ng Pagpili ng Kalahok
Deskripsyon ng mga Respondente
Instrumento
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Uri ng Gagamiting Estadistika
Mga Bahagi ng Pananaliksik
PANIMULA
Ang pangunahing layunin ng panimula ay ang magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy ng pananaliksik.
Sa bahaging ito ay maaaring talakayin ang kaligiran ng pananaliksik, layunin ng pananaliksik, kahalagahan ng suliranin at ang mga katanungang kailangan bigyang katugunan sa gagawing pananaliksik
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ito ang bahagi ng pananaliksik na tumutugon sa katanungang, Ano ang ginawa ng ibang mananaliksik hinggil sa paksa?
Ang bahaging ito ay kailangang maglaman ng mga sumusunod na impormasyon tungkol sa paksa na pinag-aaralan at kung bakit ito ay laganap, seryoso, at mahalaga.
BALANGKAS TEORETIKAL
Sa bahaging ito ng pananaliksik tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t-ibang manunulat at siyentipiko at iba pang eksperto sa isang partikular na larangan.
Binibigyang pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilang mga batas, prinsipyo, paglalahat, mga konsepto, pagpapakahulugan at mga teorya na maaaring maiangkop sa ginagawang pag-aaral.
BALANGKAS KONSEPTWAL
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
HAYPOTESIS
KAHALAGAHAN NG
PAG-AARAL
SAKLAW AT LIMITASYON
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT
Kabanata V:
PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom ng Natuklasan
Kongklusyon
Rekomendasyon
PAMAMARAANG GINAMIT
POPULASYON
PARAAN NG PAGPILI
NG KALAHOK
DESKRIPSYON NG MGA
RESPONDENTE
INSTRUMENTO
PARAAN NG PANGANGALAP
NG DATOS
URI NG GAGAMITING
ESTADISTIKA
LAGOM NG NATUKLASAN
KONGKLUSYON
REKOMENDASYON
Naglalaman ito ng buod ng mga natuklasang datos. Sa bahaging ito, nakalista (enumerated) lamang ang mga natuklasan mula sa pananaliksik.
Ang balangkas konseptwal ay nagpapakita kung ano ang nais na patunayan o panubalian ng ginagawang pag-aaral.
Ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di-malayang baryabol ay malinaw na naipapakita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal o paradigma.
Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbubuo ng paglalahad ng suliranin.
Buhat sa pangkalahatang suliranin na ilalahad sa bahaging ito, mag-uugat ang mga kasangay na suliranin upang lalong matiyak na mabibigyan ng tugon ang suliraning nakaugnay sa paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng Paglalahad ng Suliranin mula sa pananaliksik na may paksang Mga Teknik sa Pagsasaling-Wika ng Akdang Pambata tungo sa ganap na Pag-unawa ng Pagsasaling-wika bilang Disiplina ng Komunikasyon nina D Nakar, et.al:
Ang pananaliksik na may pamagat na
Mga Teknik sa Pagsasaling-Wika ng Akdang Pambata tungo sa ganap na Pag-unawa ng Pagsasaling-Wika bilang Disiplina ng Komunikasyon
ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod:
Anu-anong mga Teknik ni Newmark ang mga ginamit ni Paler sa Pagsasaling-Wika ng kwentong Hanapin ang Bituin?
Gaano kaepektibo ang nabanggit na teknik ni Newmark na ginamit ni Paler upang maunawaan ng mga bata ang kwentong pambatang Hanapin ang Bituin?
Anu-ano ang kahinaan na matatagpuan sa mga teknik ni Newmark?
Ito ang bahagi ng pananaliksik na nakatutok sa pagbibigay presiksyon sa maaaring tugon sa mga katanungan sa mga katanungan na nakapaloob sa pananaliksik.
Ang haypotesis ay mahalaga sa mga sumusunod na pamamaraan:
Naglalaan ng direksyon sa pag-aaral
Nagbibigay ng depinisyon sa sinasaklaw ng pag-aaral
Nagmumungkahi ng angkop na disenyo ng pananaliksik
Tumutukoy sa istadistika na maaaring gagamitin
Nagsisilbing batayan sa paglalahad ng kongklusyon
Ang isang mahusay na haypotesis ay naaangkop sa tatlong kondisyon:
Una, ito ay kailangang nakapagpapaliwanag ng mga katotohanang may kinalaman sa pananaliksik at upang malimitahan ang kondisyon ng orihinal na suliranin.
Ikalawa, ito ay kailangang nasusuri- ang epekto at dahilan ay kailangang nailalaan,
Ikatlo, ito ay dapat na payak/simple na nangangailangan lamang ng kagya’t na kondisyon o palagay.
Halimbawa ng Haypotesis:
Ang paraan ng pamimili ng iboboto ng mga rehistradong botante sa Munisipalidad ng Marivales, sa probinsya ng Bataan ay hindi nakabatay sa kanilang sosyo-ekonomikong katayuan na kinabibilangan ng edad, bilang ng miyembro ng pamilya, natamong edukasyon, kasarian, natamong edukasyon at kinikita ng pamilya.
Haypotesis mula sa pananaliksik na may Mga Salik na may Kaugnayan sa pamimili ng pagboto sa Munisipalidad ng Mariveles, Probinsya ng Bataan nina Dindo D. Beber et.al.
Tumutukoy ito sa kontribusyon ng pananaliksik sa
a.) bansa (tunguhin/plano)
b.) pambansang polisiya
c.) nangingibabaw na katotohanan
d.) rehiyunal (lokal na tunguhin/plano)
e.) tunguhin/plano ng komunidad
f.) tunguhin/plano ng pamantasan
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-aaral, habang ang ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik.
Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin ng pag-aaral.
Halimbawa ng Saklaw at Limitasyon sa isang pananaliksik:
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga botanteng respondente sa Munisipalidad ng Mariveles, Bataan. Kinabibilangan ito ng mga residente at mga rehistradong botante ng lahat ng barangay, pinili sa paraang random, na may edad na 20 gulang pataas at nakaboto na noong Mayo 1, 2001 sa lokal na eleksyon.
Sa bilang na 48,788 na rehistradong botante, 36,028 ang aktwal na bumoto sa nabanggit na eleksyon at sa pamamagitan ng pormulang Sloven, 400 na mga respondente ang kinapanayam para sa karagdagang datos.
Binibigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang may malalim at malalawak na konteksto.
Ito ay tumutukoy sa kontekstwal ng kahulugan ng mga baryabol sa pag-aaral.
May tatlong mahalagang bahagi ang isang panimula upang ito ay maituring na mahusay. Ito ay ang:
Rasyonale (batayang prinsipyo)- ito ay ang maikling pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paksain ng pananaliksik.
Layunin- ito ay tumutukoy sa tunguhin o obhektibo ng pananaliksik.
Mga Katanungan
Ang layuning ipapahayag ay kailangang tumugon sa mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga obhektibo ng aking pananaliksik?
2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan matutuhan sa pagsasagawang pananaliksik na ito?
Ang panimula ay karaniwang nagtatapos sa katanungan. Ang mga katanungang ito ay kailangang:
1. May kaugnayan sa layunin ng pananaliksik
2. May pokus
3. Malinaw
Halimbawa ng Balangkas Teoretikal:
Ang pagsasaling-wika ay may iba’t-ibang teorya na magkakaugnay-ugnay. Pangunahin sa mga ito ang tinatawag na
communication theory of translation ni T. David Gordon
. Ito ay ukol sa tatlong mahalagang dimensyon ng komunikasyon: ang tagapagsalita (may akda), mensahe at tagatanggap (mambabasa). Ang mensaheng nais na iparating ng tagapagsalita ay nagiging malinaw kung ito ay nauunawaan ng tagapagpakinig. Ito ang ugnayang tripartite o ugnayang tatlo na mahalaga sa pag-ikot ng komunikasyon. Ang kamalayan at pagsasaalang-alang sa katangiang tripartite ng komnikasyon ay nakatutulong nang malaki sa mga tagapagsalin upang maging epektibong tulay sa pagitan ng manunulat at mambabasa. Sa mga saglit na pagbabasa ng mga tekstong isinaln, nagaganap ang tinatawag na komunikasyon sa sarili na may akda, ang mensaheng nais niyang iparating, ang mga aktwal na salitang nakalimbag sa orihinal na akda, at ang naunawaan ng mambabasa mula sa salitang ginamit sa isinaling akda.
Halaw sa Pananaliksik na may paksang Mga Teknik sa Pagsasaling-Wika ng Akdang Pambata tungo sa Ganap ng Pag-Unawa ng Pagsasaling-wika bilang Disiplina ng Komunikasyon D Nakar, et.al.
Sa pamimili ng pamamaraang gagamitin sa pananaliksik, limang uri ang maaaring pagpilian sang-ayon sa kaangkupan nito sa gagawing pananaliksik. Ito ay ang:
1.) Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive-survey Research)
2.) Pangkasaysayang Pananaliksik (Historic Research)
3.) Pananaliksik na Eksperimental (Experimental Research)
4.) Situation Studies
5.) Project Feasibilty Studies
Ang populasyon ay ang kabuuang bilang ng inaasahang respondente o tagatugon mula sa napiling lugar na pagsasagawaan ng pananaliksik.
Tiyaking ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa pagpili ng angkop na respondente o tagatugon na gagamitin.
Ang pinaka-karaniwang gamiting pamamaraan sa pagpili ng tagatugon ay ang
Random Sampling, Cluster Sampling, Stratified Sampling,
at
Multi-stage Sampling
. Subalit kung ang populasyon ay maituturing na maliit at sapat na gamitin upang maging tagatugon, ito ay tinatawag na
Universal Sampling.
Ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng tagatugon, ang mananaliksik ay maaaring batid na ang kanayang tiyak ng respondente- ang mga taong maglalaan ng kanyang kinakailangang mga datos.
Ang respondente ay maaari ring ilarawan sa ilang aspektong pisikal, sosyal, ekonomikal, o edukasyunal na katangian gaya ng edad, kasarian, kalagayang sibil, propesyon/trabaho, natamong edukasyon, o haba ng paghahanapbuhay.
Ang kaalaman sa pamamaraan ng pangangalap ng mga datos at magbibigay daan para sa mananaliksik na matukoy ang instrumentong gagamitin para sa layunin.
Batay sa mga nabanggit sa paraang gagamitin ibabatay ang paraan ng pangangalap ng mga kinakailangang datos upang tugunin ang mga inilalahad na suliranin.
Ang pagsasagawa ng rekomendasyon ay higit na madaling gawin. Ang tanging dapat na gawin ng mananaliksik ay hayaang ang kanyang pananaliksik na masipi.
Itinuturing na isa sa pinakamahirap na bahagi ng pananaliksik.
Dapat na matandaan ng mananaliksik na karaniwang natatandaan ng mga mambabasa ang kongklusyon kaya’t higit na kailangang ito ang bahagi na pinakamalakas sa pananaliksik.
Ang kongklusyon ay kinakailangang:
Sumasalamin sa panimula
Magbabanggit muli ng thesis statement, at lalong nagiging pangkalahatan
Naglalagom ang mga pangunahing ideya
Nagpapaluwag sa mambabasa bakit makahulugan ang iyong pananaliksik.
Nagpapakita ang resulta ng iyong pag-aaral
Humihimok na pag-isipin ang mga mambabasa hinggil sa paksa
Mag-iwan ng tanong sa mambabasa
Mag-iwan ng babala o haypotesis
Magpakita ng mahahalagang kaisipan
Magtala ng isang angkop na anekdota
TABYULEYSYON:
ay ang proseso ng paglalahat ng mga datos na nakalap upang dumaan sa higit na pagsusuri
Halimbawa ng nilalaman ng Kabanata IV:
Talahanayan Blg. 1
Mga Teknik na Ginamit sa Pagsasalin
Ang nakalap na mga datos ay mawawalan ng kahulugan kung hindi mo ito maaanalisa at mabibigyan ng interpretasyon.
Ang pagsusuri at pagbibigay interpretasyon ay nangangailangan ng istatistikal na pamamaraan.
May ilang mga istadistikal ng pamamaraan ang maaring gamitin ng mananaliksik gaya ng mga sumusunod:
Prekwensi at Bahagdan- pinakakaraniwang istadistikal na pamamaraang gagamitin ng isang mananaliksik. Batay sa nabilang na tugon ng iyong mga respondente sa bawat katanungan maaari ng makita ang prekwensi sa bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:
Pamamaraang Ranggo- ang pormulang ito ay ginagamit upang matukoy ang posisyon ng indibidwal o ng isang grupo sa isang hanay ng mga ranggo.
Weighted Mean- isa pang pinakagamiting istadistikal sa mga mananaliksik.
Pamamaraang Chi-Square- ito ay karaniwang ginagamit upang makuha ang tiyak na pagkakaiba sa pagitan ng isang hanay ng mga inaasahang halaga at sa mga hanay ng naobserbahan sa mga kalahok. Ang pormula ay:
Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliranin ng pananaliksik.
Previous answers to this question
This is a preview of an assignment submitted on our website by a student. If you need help with this question or any assignment help, click on the order button below and get started. We guarantee authentic, quality, 100% plagiarism free work or your money back.