1 KABANATA I PANIMULA Marami ngayon sa mga kabataan ang nasasangkot sa “premarital sex” na nagiging dahilan ng pagbubuntis. Wala kasing “sex education” sa Pilipinas. Sa isang artikulo sa pahayagang Abante noong april 4, 2003, ang “sex education “ ang susi sa pag-iwas sa maagang pagtatalik, pagbububntis ng dalaga at maagang pagpapakasal. Dahil sa kawalang kaalaman nagdudulot ito sa hindi pag-iingat at nagdudulot noise ng maagang pagbubuntis. Hindi tototong magiging mas mapusok ang kabataan kapag natutunan ang ukol sa seks. Natatalakay kasi ng maigi ang mga negatibong epekto ng mga sitwasyong ito sa mga kabataan. Nabibigyan ng kapangyarihan ng kaalaman ng kabataan at ito ang gumagabay sa kanila tungo sa responsableng aksyon. Nagiging mas malinaw ang mga panganib ng maaagang pagpapakasal at pagpapalaki ng anak nang hindi pa handa. Ang maagang pagbubuntis o “teenage pregnancy” ay tumutukoy sa kabataang babaeng nasa 20 anyos pababa. Mas mahirap and dinadanas ng kabataang nabubuntis kumpara sa mga nabubuntis ng nasa edad 21 pataas. Bukod sa pinansyal na problema, magkakaroon noise ng problema sa kanilang pangangatawan o kalusugan. Hindi kasi madali ang pagdadala ng sanggol, minsan hindi ito kaya ng katawan (Campbell,2003). Minsan may kaso pa nga ng nalalaglagan ng bata. At hindi noise madaling gumawa ng bata. Mainit ang isyu tungkol sa maagang pagbubuntis ng kabataan lalo na sa mga bansang hindi gaanong debelop at mababa ang antas o “standard” ng edukasyon. 2 LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa aming minamahal na guro, Ito po ay isang Pananaliksik para malaman ng aming guro na si B. Maricel Guerrero kung ano ang aming pagunawa tungkol sa Premarital Sex na laganap kahit saan.
Ito rin po ay nagsisilbing tagubilin kung bakit minsan ang mga estudyante ay may kanikanilang reaksyon, opinyon at paniniwala sa ganitong usapin. Sa mga kapwa naming mga mag-aaral, Ito ay isang dagdag kaalaman kung saan nababatid nila ang reaksyon, opinyon at paniniwala ng kapwa mag-aaral. Ito ay isang sensitibong pag-aaral kaya’t malaki ang maitutulong nito kapag merong usapin tungkol dito. Ito rin po ay isang paaalala sa mga mag-aaral na merong kasintahan sa labas or loob ng Kolehiyo. Sa mga kapwa naming mananaliksik, Isa po itong gabay para sa aming kapwa mananaliksik sapagkat ito ay nagbibigay daan para mapadali at mapahusay ang mga susunod na mga pag-aaral tungkol sa Premarital Sex. Sa mga mambabasa, para po ito sa inyong kamalayan sa mga kung ano ang nangyayari sa ating paligid isa na dito ang Premarital Sex na alam namin hindi na bago sa mata ng publiko. Gusto lang po namin kayong bigyan sa abot ng aming makakaya ng isang tiyak at bagong pag-aaral hingil sa Persepsyon o Pagunawa ng mga tao tungkol sa Premarital Sex. 3 PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN Premarital Sex- ay pagtatalik ng dalawang tao na kung saan wala silang basbas galing sa Panginoon. Petting- ang paghahawak sa mga maseselang bahagi o parte ng katawan Contraceptives- ginagamit ng mga babae upang maiwasan ang pagkakaroon ng anak o wala sa planong pagbubuntis. Sex- Ang sex ay ang pagtatalik na ginagawa ng dalawang taong babae at lalaki na nagmamahalan. Ito ay pwedeng ituring na “act of affectionInch o iba pang katawagang maselan para sa mga menor de edad.
Ginagawa lamang ito ng mga taong responsable at nasa ligal na taong gulang na. Sex Education- pagtuturo ng mga impormasyon tungkol sa pagtatalik Abstinence- ay ang pag iwas sa pagtatalik Planned Being a parent- pagpaplano sa pagiging magulang ng isang indibidwal. 4 KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at sa pagdaan ng panahon ay patuloy ang paglobo nito. Ayon sa census, ang populasyon ng Pilipinas noong taong 2000 ay nasa 76.50 milyon at umabot ito ng 88.57 milyon noong taong 2007 na nangangahulugang 2.04 na porsyento ng pagtaas ng populasyon mula 20002007 taon. Isang salik dito ay ang pagbagsak ng mga kabataan sa “premarital sex” o pakikipagtalik ng hindi kasal nang hindi gumagamit ng natural at artipisyal na family planning na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae na may edad 13-18 taong gulang. Napakalaking porsyento n gating populasyon ang damay sa suliraning pagbubuntis ng kabataan at sa pagdaan ng panahong pagtaas ng porsyento nito. Sa suliraning ito nag-uugat ng sangasangang problema ang bansa: kahirapan, krisis at krimen. Isa na ditto ang pagbubuntis ng mga kabataan na masasabing malaking suliranin ng bansa dahil sa patuloy na paglaganap at pagtaas ng populasyon ng mga kabataang maagang nabubuntis ayon kay Creer, Veronica P. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Rebecca Singson, iniulat umano ng Univesity from the Philippines Population Institute (UPPI) at sa Demographic Research Development Foundation noong taon 2002 umabot ng 26% ang Pilipinong may edad 15-25 ay sumasabak sa “premarital sex” at 30% ng kabataan ngayon ay nagsasama sa ilalim ng iisang bubong. Isiniwalat noise ng 1998 National Demographic Health Survey (NDHS) na 5.2% ng mga kababaihang may edad 13-24 ang nabubuntis at noong taong 2003 ay tumaas ito sa 33.5% na nangangahulugang 5.66% na pagtaas bawat taon. Mula sa impormasyong ito mahihinuha ang 28.3% pagtaas mula taon 2003-2008. 5 Ayon kay Mylene Mariano Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex. Isa sa apat na Pilipino edad 15-24 ang nasasangkot sa nasabing isyu, ayon sa pag-aaral ng UP Population Institute. Ayon sa Pag-aaral sa taong ito ay sinasabing aabot sa 4 na milyong kabataan ang sangkot sa pre-marital sex na mayroon di umanong 30 porsyentong responde ang ginagawa ito sa loob ng sariling pamamahay, samantalang 18 porsyento ang ginagawa naman ito sa loob ng mga motel at hotel.Malaki ang naging epekto ng pre-marital sex, kasama na dito ang maagang pagbubuntis na nakadaragdag pa sa lumalalang bilang ng populasyon at kawalan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan at ng kanilang mga magiging anak na magiging dahilan ng paglaganap ng kahirapan. At ang mga ito ang nagsilbing ugat ng sex education.Ang mga nasabing impormasyon ang nagpapatunay na mahirap ng pigilan ang pre-marital sex. Lalo na at laganap na ito hindi lamang sa ating bansa ngunit pati na rin sa buong mundo. Ang magagawa na lamang natin ay bigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa pagsasagawa nito upang di na makadagdag pa sa populasyon, maagapan ang kahirapan at masupil ang iba’t-ibang sakit mula sa pakikipagtalik. Ang sex education ang responsable dito sapagkat mapadadali nito ang maselang usapan sa sex kung ang mga magulang o ibang tao ang magtuturo sa kabataan. Para naman sa mga bata, marapat na sila’y hubugin ng kanilang mga magulang sa konserbatibong pamumuhay ng mas mapadali ang pag-iwas sa maselang gawain tulad ng nababanggit. Sinasabi nman ni Jason B. Ocampo na ang pre marital sex ay napakahalagang usapin sapagkat ang kabatan ngayon ay napaka liberated nagsisex kahit hindi pa kasal kaya buhay nila ngayon nalunod sa kasalanan .marami ang nagsasabi na ito ay ok lng spagkat may mga kontraseptibo kang masasandalan pero ito bay may kasigurohan. sagot ko po sa katatanong ay wala kaya panahon na upang ating simulan ang adbokasiya sa pagtigil ng premarital sex. ating alamin ang dahilan o ang ugat ng 6 premaritalsex ang dhilan nito ay media. yun lang po sa ngayon maraming salamat. Iba na raw ang moralidad ng kabataan ngayon. Ayon sa McCann Worldgroup Philippines, tatlo sa bawat sampung kabataan ay naniniwalang hindi mali ang paggamit ng ilegal na droga at pagtataksil sa kasintahan. Apat sa sampu naman ang nagsasabing walang masama sa pagkuha ng isang bagay na hindi nagbabayad, pagbebenta at pamimili ng ilegal na droga, pagmamaneho ng lasing, suicide, hindi pagbabayad ng buwis, pagtataksil sa asawa, hindi pagpasok ng trabaho o paaralan, hazing, casual sex, paggamit ng dahas sa isang relasyon at pakikipagrelasyon sa taong may asawa.Lima sa bawat sampu ang may paniniwalang hindi naman mali ang pre-marital sex at sex sa TV. Walo sa bawat sampu ang nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas tungkol sa contraception. Noong 1992, aabot ng 70 % ng kabataan ang naniniwalang mali ang abortion. Noong 2000, ito ay bumaba sa 60 %. Noong 2005, 40 % na lang ang may negatibong pagtingin sa abortion.Pinakaliberal daw ang mga kabataan ng Mindanao. Pinakakonserbatibo naman ang mga kabataan ng Luzon. Sa paghina ng mga batayang institusyon tulad ng pamilya, unyon at kooperatiba, naaapektuhan noise ang pulitikal na pananaw ng mga tao. Wala nang komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng sama-samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso. 7 KABANATA III METODOLOHIYA 1.1 Uri ng Pananaliksik Ang uri ng pananaliksik na aming ginamit ay deskriptib na pananaliksik dahil saklaw nito ang kasalukuyang kalakaran, kalagayan o sitwasyon ukol sa mga bagay-bagay. Sisiskapin ng mga kalahok sa pananaliksik na mailahad ang tunay na pananaw ng mga estudyante. Sa paraang ito ng pananaliksik ay may mga magtatanong at sasagot. At sa paraan ito na rin malalaman ang pananaw ng bawat isa. 1.2 Lunan ng Pag-aaral Isinagawa ang pananaliksik na ito sa Pamantasang ng estudyanteng numero 1 ang Palawan Condition College, lungsod ng Puerto Princesa. Ang paaralang ito ay nagbibigay ng mga estudyanteng reproductibo. 1.3 Mga Kalahok Mga estudyante sa Bs in Tourism. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng “random sampling”, ibigsabihin, ang mga estudyanteng nasa kursong Tourism ay pinagrupo-grupo sa para sa pananaliksik. Isinaalang-alang rin ang iskedyul ng bawat isa. 1.4 Instrumentong Pampananaliksik Gumawa ang mga kalahok ng isang “Survey Test” para sa mga respondante, upang masukat o mailahad ang persepsyon ng bawat isa, o ng mga estudyanteng respondante. 8 1.5 Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos Sino ba ang mas madalas nakakausap ng estudyante ukol sa pagtatalik? Kasagutan Kapamilya Kaibigan Guro Kabouan Lalaki 9 2 2 13 Babae 12 3 2 17 Kabouan 21 5 4 30 Nailalahad dito na mas madalas kausapin ng isang indibidwal ang kanilang mga kaibigan ukol sa “premarital sex”. Sino ang mas sang-ayun sa “PREMARITAL SEX” babae o lalaki? Kasagutan Babae Lalaki Kabouan Sang-ayun 2 3 5 Di sang-ayun 15 10 25 Kabouan 17 13 30 Natala rito na mas marami sa kalalakihan ang sang-ayun sa maagang pakikipag-talik. 9 KABANATA IV LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom Malaking bilang ng mga kabataan na ang nahihilig sa pakikipagtalik. Ang premarital sex ay isa na sa problema ng ating bansa. Nailahad dito ang mga rason kung bakit ito ipinanukala ng mga may posisyon sa gobyerno gaya ng pagbibigay-impormasyon sa mga mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan. Ito ay naipanukala dahil sa tumitinding pagtaas ng populasyon at mga krimeng may kinalaman sa seks gaya ng rape,teenage pregnancy, mga sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at maramipang iba. Hindi rin naiwasan ng ideyang ito ang banggaan ng mga sang-ayon at salungatdito. Gayunpaman, ito ay nakapokus sa ikabubuti ng bansa ayon sa gobyerno at ayon naman sasalungat, gaya ng simbahan, ito ay hindi mainam na solusyon para sa problemang kinakaharapng bansa. Ang isyung ito ay kasalukuyang pinagdedebatehan sa kongreso kung ito ba ay itutuloy o hindi. Kongklusyon Base sa pag-aaral n gaming grupo, ang “sex” ay sadyang napakahirap pag-aralan at tukuyin ang mga bahagi, dahilan at epekto nito. Sa madaling sabi, maraming salik ang ating puwedeng ikonsidera sa mga ganitong isyu. S
inasakop rin nito ang mga bagaybagay na sadyang dapat masoluyunan kaagad ng sa gayoy hindi na lumala ang mga problema. Rekomendasyon Bilang mga mamamayan ng pilipinas, ating pakialaman at alamin kung ano ang puwede nating gawin para masolusyunan ito lalo na tayong mga kabataan. Sa mga may posiisyon sa gobyerno, sana ay maliwanagan sila ng sa gayoy hindi sila magsisi sa mga magiging resulta ng kanilang mga balak. Dapat rin na sa bawat pamilya ay magkaroon ng paunang aral sa mga anak ng sa gayoy hindi sila mapariwara sa 10 hinaharap. Dapat rin ay magkaroon ng disiplina ng bawat tao dahil sa disiplina nagsisimula ang lahat ng pagbabagong maaaring mangyari sa isang tao,grupo, o bansa.
Previous answers to this question
This is a preview of an assignment submitted on our website by a student. If you need help with this question or any assignment help, click on the order button below and get started. We guarantee authentic, quality, 100% plagiarism free work or your money back.